Banta ng ASF, nasa walong lalawigan na lang ayon sa DA

Inanunsyo ng Department of Agriculture (DA) na nasa walong probinsiya na lang ang mayroong African Swine Fever (ASF).

Ayon kay Assistant Secretary Noel Reyes, sa walong probinsya, may kabuuang dalawampu’t dalawang barangay na lang ang apektado ng ASF.

Ani Reyes, halos tatlong buwan nang walang naire-report na bagong kaso ng ASF sa mahigit na apatnaraang lungsod at munisipalidad sa bansa.


Dagdag ni Reyes, bunga ito ng pinaigting na bantay ASF sa barangay program at surveillance and monitoring system ng ahensya at mga Local Government Unit (LGU)

Kung magugunita, umabot sa limampung probinsya ang pineste ng ASF na nagresulta sa pagkamatay at para katayin ang napakaraming mga baboy.

Positibo ang DA na dahil sa pagbaba ng kaso ng ASF, makaka-usad na ang industriya ng pagbababoy.

Facebook Comments