Kasabay ng selebrasyon ngayon ng Lunar New Year at Valentine’s Day, patuloy ang walang sawang paalala ng Department of Health sa publiko na sundin ang mga ipinapatupad na health protocols.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni DOH Spokesperson at Usec. Maria Rosario Vergeire na nananatili ang banta ng COVID-19 at UK variant sa bansa kaya huwag pa rin kalimutan ang pagsunod sa mga health at safety protocols.
Ayon kay Vergeire, bagamat wala pang naitatalang kaso ng South African at Brazilian variant sa bansa, mas maigi pa rin mag-ingat lalo na’t may mga pagtaas ng kaso ng Covid-19 silang namo-monitor sa Region 2, 7 at Caraga.
Ang mga ito aniya ay nasa “moderate risk” classification.
Sa ngayon ay nasa 543,282 na ang COVID-19 cases sa Pilipinas, kung saan 31,478 rito ang active cases.