Banta ng cyber-attacks – nagpapatuloy, 150 bansa – apektado na

73

World – Patuloy pa rin ang banta ng ransomware na tinawag na “Wannacry” Computer Virus.

Kasunod na rin ito ng hacking sa 200,000 kompanya sa loob ng 150 bansa kung saan pawang mga hospitals, major companies at government offices ang apektado.


Ayon kay Rob Wainwright, pinuno ng European Union’s Law Enforcement Agency na Europol – may aktibong gumagawa na ng paraan ang mga cyber security organizations sa buong mundo para makontra at mapigil ang nasabing computer virus.

Ang nasabing atake ay sa pamamagitan ng isang virus kung saan papasukin ang computer files ng isang indibidwal at ito ay maibabalik lamang kapag magbayad sa mga hackers.

Facebook Comments