Taunang Brigada Eskwela ng Department of Education – umarangkada na

81

Manila, Philippines – Umarangkada na ang taunang BrigadaEskwela ng Department of Education.
  Ngayong school year ‎2017-2018, isinagawa ang pormal napaglulunsad kaninang alas otso ng umaga sa kapitbahayan elementary school sa NavotasCity.
  Bandang 6:30 ng umaga nang umalis sa Quirino Grandstand saMaynila ang motorcade para sa brigada eskwela, na dumaan sa North Edsa at Potrero,Malabon.
  Layon ng programa na magtulungan ang mga guro, estudyanteat magulang na maihanda ang mga classroom sa public schools para magamit sadarating na school year.
  Bukod dito, sinusuri din ang mga classroom at schoolbuildings para matiyak na matibay ito lalo na sa mga lindol na tatama sa bansa.
  Bahagi din ng programa ang pagsasailalim sa mga guro saisang training ukol sa disaster preparedness.
 
   

Facebook Comments