Banta ng dating PDP Laban officer na patatalsikin si Speaker Alvarez, minaliit ng mga kaalyado sa Kamara

Manila, Philippines – Minaliit ng mga kaalyado sa Kamara ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang planong pagpapatalsik dito bilang PDP-Laban Secretary General.

Napabalitang nangangalap ngayon ng suporta si Cesar Cuntapay, dating PDP-Laban ScGen na pinalitan ni Alvarez.

Sa alegasyon nito laban sa lider ng Kamara, naisasakripisyo na ni Speaker ang prinsipyo ng PDP-Laban dahil sa pagsibak at pagtanggap ng mga bagong miyembro ng partido na hindi dumadaan sa konsultasyon ng mga miyembro.


Giit dito ni Majority Leader Rodolfo Fariñas, ayaw nilang patulan at hindi nila pinapansin ang isyung ito sa PDP-Laban.

Para naman kay PBA PL Rep. Jericho Nograles, wala namang ugung-ugong na aalisin bilang opisyal ng partido si Alvarez.

Duda si Nograles na patatalsikin si Alvarez dahil buo ang suporta dito ng partido.

Tikom at ayaw pa magsalita ni Alvarez sa nasabing isyu.

Facebook Comments