Pagsira ng mga kulorum sidecar sa QC, binatikos ng isang abugado; QC, handang humarap sa anumang uri ng reklamo

Quezon City – Binatikos ni Atty. Mel Sta Maria ang ginawang pagyupi at pagpitpit sa mga sidecar ng tricycle sa Quezon City.

Ito yung mga iligal na pumapasada sa lungsod na nagdudulot ng peligro sa mga pasahero at yung ilan pa ay nagagamit umano sa iligal na transaksyon tulad ng droga at panghoholdap.

Sa ngayon, aabot na sa 500 side car na ang sinira sa pamamagitan ng pay loader.


Ayon kay Sta Maria, posibleng makasuhan ang mga opisyal ng QC.

Agad naman itong sinagot ng ni Aldren Cuña ang city administration.

Sa huli, nanindigan ang pamunuang lunsod ng Quezon na tuloy-tuloy lang ang pa sira sa mga sidecar kasabay ng pagpapatupad ng kanilang city ordinance.

Facebook Comments