BANTA NG MASS RESIGNATION SA MGA HEALTH WORKERS WALA PA AYON SA PROVINCIAL HEALTH OFFICE

Sinabi ng Provincial Health Office ng Pangasinan na wala pang banta ng mass resignation sa mga health workers ng lalawigan.
Ayon kay Dr. Anna De Guzman, Provincial Health Officer, tanging pakiusap ng mga health workers sa rehiyon ay matanggap ang kanilang hazard pay at Special Risk Allowance.
Sa ngayon aniya ay wala pa itong natatanggap na pondo galing sa kagawaran ng kalusugan.
Matatandaan na nagbanta ng mass resignation ang ilang health workers mula sa pribadong ospital dahil hindi naibibigay ang mga benepisyo ng mga ito at hindi umano natutugunan ng maayos ang COVID-19 response ng pamahalaan.

Facebook Comments