Mga lugar na may matataas na kaso ng COVID-19, prayoridad na mabigyan ng Sinopharm vaccine

Ilalaan ang unang batch ng 739,200 dose ng Sinopharm vaccine na donasyon ng China sa mga lugar na may matataas na kaso ng COVID-19.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, inaantay pa ang 260,800 dose ng Sinopharm para makumpleto ang naturang donasyon.

Aniya, ang bagong shipment ay idedeploy agad-agad sa Metro Manila, Central Luzon, Calabarzon, at iba pang rehiyon na may mataas na COVID-19 case.


Umaasa naman si Chinese Ambassador Huang Xilian na makatutulong magpababa ng kaso ang kanilang pinakabagong donasyon.

Facebook Comments