Banta ng Omicron COVID-19 variant, hindi dapat ipangamba – OCTA

Hindi kailangang magpanic ang mga pilipino sa kabila ng posibleng banta ng Omicron COVID-19 variant.

Ayon kay Fr. Nicanor Austriaco, molecular biologist at OCTA research fellow, bagama’t mas nakakahawa ang Omicron kumpara sa Delta variant ay mas mababa naman ang tyansang ma-ospital at masawi ang mga positibo rito lalo na ang mga fully vaccinated.

Sa kabila nito, kailangan aniyang bantayan ang pagpasok ng omicron at harangin agad sa pamamagitan ng mataas na vaccination rate sa Metro Manila at mga karatig lalawigan.


Iginiit din ni Austriaco na mataas na sa ngayon ang proteksiyon ng Metro Manila sakaling magkaroon ng panibagong COVID-19 surge.

Ayon kay Fr. Austriaco, nagkaroon na ng population immunity laban sa COVID-19 ang Metro Manila kung kaya’t mapipigilan na nito ang Covid transmission.

Sa ngayon, bumaba pa sa 0.35 ang covid-19 reproduction rate o bilis ng hawahan ng virus dito sa Metro Manila.

Facebook Comments