Wala pang impact sa mga flights papasok at palabas ng bansa, partikular sa Philippine Airlines, ang banta ng Omicron variant ng COVID-19.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni PAL Spokesperson Cielo Villaluna na sa itinalagang 4 na libong passenger arrival cap, nasa isang libo hanggang 1,200 ang mga pasahero na umuuwi sa bansa kada-araw.
Wala pa aniyang epekto ang Omicron variant sa mga flight sa bansa, lalo’t nariyan ang pagnanais ng mga Pilipino na makasama ang kanilang pamilya ngayong holiday season.
Bukod dito, tumataas rin aniya ang bilang ng mga biyahe ng domestic flights, dahilan kung bakit dadagdagaan nila ang mga flights na ito simula December 10.
Facebook Comments