Ayon sa ating naging panayam kay National Immunisation Program Manager Ms. Maria Vianney Uy, bagaman marami na ang bakunado sa syudad at halos lampas kalahating porsyento nito ay mga kabataan, magpapatuloy parin aniya ang kanilang kampanya kontra Covid-19.
Maliban dito, patuloy rin ang pagpapaalala ng naturang ahensya sa publiko na panatilihin parin ang pagsusuot ng facemask at pagsunod sa iba pang protocols.
Samantala, ayon naman kay Doc. Lorelei Faith Banigued Medical Officer 3 ng Cauayan District Hospital, kung sakali man umanong dumami muli ang kaso ng COVID-19 ay handa naman umano ang mga kinakailangan pasilidad sa nabanggit na ospital.
Kaugnay nito, ayon muli kay Ms. Vianney, may available parin umanong booster shot na sakanilang tanggapan at anumang oras ay maaring magtungo ang sinumang nagnanais na magpabakuna.