Walang dapat ikaalarma o ipangamba ang lahat ng nasasakupan ng Kampilan Division kasabay ng banta ng terorismo bunsod na rin sa mga nangyaring pagsabog sa Jolo Cathedral at Zamboanga Mosque noong nakaraang mga araw.
Ito ang sinabi ni 6th ID Commander MGen Cirilito Sobejana sa naging panayam ng DXMY matapos ang isinagawang Provincial Peace and Order Council Meeting kahapon sa New Capitol sa bayan ng Buluan.
Mas pina-igting pa aniya ng mga otoridad sa tulong ng mga kapulisan, marines at ng LGU ang kanilang ginagawang security measures para na rin sa kaligtasan ng lahat.
“Nakakalat po ang ating Intel Units to closely monitor the hostile plans of the various threat groups within the AOR, we want to prevent them sa pagsagawa ng kanilang hostilities dito sa area, we want to protect the people” giit ni CG Sobejana.
Nasa ilalim ng AOR ng th ID ang mga bayan mula sa lalawigan ng Maguindanao, North Cotabato, Sultan Kudarat, ilang bayan sa Lanao Del Sur at Cotabato City.
Banta ng Terorismo sa Central Mindanao , tinututukan ng 6th ID
Facebook Comments