Walang nakikitang banta ng tsunami ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa ilang parte ng karagatan ng Southern Luzon.
Kasunod na rin ito ng naranasang magnitude 6.7 na lindol sa Calatagan, Batangas kaninang madaling araw.
Ayon kay PHIVOLCS Dir. Renato Solidum, nasa lalim na 116 km ang pinagmulan ng lindol sa karagatan ng Calatagan.
Aniya, hindi ito makakalikha ng anumang tsunami kahit malakas pa itong naramdaman sa kalupaan.
Hindi rin nagrekomenda ang PHIVOLCS ng anumang evacuation alert sa mga lugar na malapit sa Batangas at iba pang lalawigan.
Facebook Comments