Banta ni P-Duterte na revolutionary government, dapat seryosohin?

Manila, Philippines – Iginiit ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate na seryosohin ng publiko ang banta ni Pangulong Duterte na bumuo ng revolutionary government.

Babala ng kongresista isa itong pagbabalat kayo nang nagbabadyang martial law sa bansa.

Sinabi ni Zarate na matagal nang kinu-kondisyon ng Pangulo ang publiko sa mapaniil na pamumuno at patunay dito ang pagtatalaga ng sangkaterbang dating opisyal ng militar sa maraming posisyon sa gobyerno.


Ganito rin ang pananaw ni Akbayan Rep. Tom Villarin na nagsabing ginagawa ng Pangulo ang lahat nang pananakot para bigyang katuwiran ang naising palawigin ang martial law sa buong bansa dagdag pa dyan ang revolutionary govt.

Giit ng mambabatas, bagama’t alam ng Pangulo na walang basehan sa konstitusyon ang revolutionary government pinalalabas nito na ang kanyang ginagawa ay para sa kapakanan ng bansa.

Facebook Comments