BANTA SA KALIKASAN | Mga quarrying site na lumalabag sa suspension order, paparusahan

Manila, Philippines – Paparusahan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang mga quarrying sites na lumalabag sa suspension order.

Ayon kay DENR Undersecretary Analiza The, kapag pinatawan ng suspension order ay hindi na dapat pwedeng makapagsagawa ng operasyon ang mga quarrying sites.

Pero sinabi ni The, kung mayroon silang mga dati nang nahukay o existing stockpile bago pa man na-isyuhan ng suspension order ay justifiable ito.


₱50,000 multa kada araw ang ipapataw sa mga mapapatunayang lumabag sa suspension order ng DENR.

Matatandaang ipinatigil ang mga quarrying operations para bigyang daan ang imbestigasyon sa umano ay pagkasira ng kalikasan na itinuturong dahilan ng pagbaha sa Marikina sa pananalasa ng hanging habagat.

Facebook Comments