BANTA SA SEGURIDAD | Pagpasok sa bansa ng ISIS member, naharang ng BI

Naharang ng Bureau of Immigration (BI) sa Clark International Airport (CIA) sa Pampanga ang isang Pakistani national na suspected trainer ng terrorist group Daesh ng ISIS.

Si Naeem Hussain, 36-anyos ay naharang ng BI sa Clark sakay ng Emirates Airlines mula Dubai.

Si Hussain ay agad na pinabalik ng BI sa Dubai matapos ngang makumpirma na kasama ito sa kanilang alert list ng suspected international terrorists bilang trainer Daesh.


Ang Daesh ay kilala rin bilang Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) o Islamic State of Iraq and The Levant o ISIL.

Ang nasabing terorista ay nasa watchlist din ng military intelligence community.

Una na rin siyang nagtangkang pumasok sa Pilipinas noong Mayo ng nakalipas na taon subalit ipina-deport din siya matapos dumating sa NAIA.

Facebook Comments