Bantang batas militar, warning lang ng Pangulo – IATF

Nilinaw ng Inter-Agency Task Force (IATF) na warning lang sa mga violators ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na magsasanib-puwersa ang military at pulis para ipatupad ang ECQ.

Ayon kay IATF Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, kung talagang magmamatigas ang mga pasaway, posibleng hingin ng Pangulo ang tulong ng militar para ipatupad ang batas.

Gayunman, sa ilalim aniya ng batas, ang military rule ay posible lamang para sa mga kaso ng invasion at rebellion.


Sinabi pa Nograles, suportado ng IATF ang mga Local Government Units (LGUs) sa maghigpit na batas na kanilang pinaiiral sa kanilang mga constituents sa gitna ng ECQ.

Aniya, depende sa mga lgus kung idaraan sa paghahain ng lokal na ordinansa ang kaparaanan para mas higpitan o patawan ng mas mabigat na kaparusahan ang mga lumalabag sa ECQ.

Facebook Comments