Bantang pagdedeklara ng revolutionary government, style lang daw ni Pangulong Duterte para takasan ang kinahaharap na kontrobersya ng kanyang pamilya; Pangulo, tinawag na “paranoid”!

Manila, Philippines – Nais lang ni Pangulong Rodrigo Duterte na takasan at mabaling sa ibang isyu ang kinahaharap na kontrobersya ng kanyang pamilya.

Ito ang pahayag ni Senador Antonio Trillanes IV kasunod ng bantang pagdedeklara ng revolutionary government ng Pangulo.

Sakaling ituloy, dito aniya malalaman kung susunod sa kanya ang Armed Forces.


Samantala, tinawag namang ‘*paranoid’* ng grupong Tindig Pilipinas si Duterte dahil sa pag-iisip na may nagpaplanong magpabagsak sa kanya.

Posibleng naalarma lang daw ang Pangulo kasunod ng pagbaba ng kanyang trust ratings.

Kasabay nito, nanawagan ang grupo sa mga democratic forces sa loob at labas ng bansa na pigilan ang Pangulo sa kanyang balak.

Facebook Comments