Mahigit 20 patay sa magkasunod na pagsabog sa Mogadishu, Somalia

Somalia – Pumalo na sa mahigit 20 ang patay habang 15 ang sugatan sa magkasunod na malalakas na pagsabog sa Mogadishu, Somalia kagabi.

Lumalabas sa imbestigasyon na isang truck bomb ang unang sumabog malapit sa entrance ng isang hotel sa siyudad habang isa pang pagsabog ang naganap sa Madina district ng lungsod.

Ayon sa mga awtoridad, bukod sa mahigit 20 katawan na narekober, marami pa ang natabunan ng mga nasirang gusali mula sa pagsabog.


Wala pa namang grupong umaako sa magkasunod na pagsabog.

Facebook Comments