MANILA – Inulan ng mura ang pakikipag-usap ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon sa Malakanyang sa ibat-ibang mga alkalde sa bansa.Sa isang interview sinabi ni Tanauan, Batangas Mayor Antonio Halili, na sumentro ang mensahe ng pangulo sa hangarin nitong wakasan ang droga sa bansa.Ayon kay Halili, inulit din ng pangulo ang banta nito sa lahat ng alkalde na nasa kanyang narcolist ay kanyang papatayin.Bukod dito – nabanggit din ng pangulo ang pagbusisi ng Commission on Audit sa intelligence fund ng mga mayors.Muli din pinangalanan ng pangulo ang dating police official at ngayo’y daanbantayan Mayor Vicente Loot na kabilang sa kanyang narcolist.Nabatid na hinati sa tatlong batch ang ginawang pakikipag-usap ni Pangulong Duterte kung saan pinagsama-sama ang lahat ng alkalde mula sa Luzon, Visayas at Mindanao.
Bantang Pagpatay Sa Mga Alkaldeng Sangkot Sa Iligal Na Droga – Muling Binigyan Diin Ni Pangulong Rodrigo Duterte Sa Pagh
Facebook Comments