Bantang rape sa anak na si Frankie, ikinabahala at ikinagalit ni Senator Francis “Kiko” Pangilinan

Bilang isang ama ay nagpahayag ng pag-aalala si Senator Francis “Kiko” Pangilinan para sa kaligtasan at kapakanan ng dalagang anak na si Frankie matapos pagbantaan sa social media ng isang nagngangalang Sonny Alcos na gagahasain.

Ginawa ang banta matapos ilunsad ni Frankie ang #HijaAko movement na naglalayong wakasan ang sexual violence laban sa mga kababaihan.

Diin ni Pangilinan, nakakagalit at nakakalungkot na may mga taong tulad ni Sonny Alcos na isa pa namang tatay.


Giit ni Pangilinan, kahit kailan ay hindi maaaring gawing biro ang rape at anumang karahasan ay traumatic kaninuman kahit sa matanda o bata o sa katulad ng anak niyang si Frankie.

Kasabay nito ay nagpasalamat din si Pangilinan sa lahat ng mga nagpapahayag ng suporta sa kanyang anak at sa kanilang pamilya.

Ayon kay Pangilinan, gagawin nila ang lahat para maging ligtas ang lugar para sa kanilang mga anak kahit na sa social media.

Facebook Comments