Bata sa New York, patay matapos madaganan ng sasakyan

NEW YORK – Sawi ang isang 5-anyos na babae matapos itong mahulog sa isang umaandar na “lawnmower” saka magulungan nito.

Ayon sa report ng WIVB-TV, nakatanggap umano ng tawag ang mga pulis mula sa isang bahay sa bayan ng Conewango, New York bandang 8:30 pm araw ng Miyerkules.

Naabutan daw ng awtoridad ang bata habang dinadaganan ng naturang sasakyan.


Sa inisyal na imbestigasyon lumalabas na walang sinumang kasama ang biktima nang sumakay ito sa loob ng lawnmower.

Bigla na lang itong tumilapon mula sa sasakyan saka siya nadaganan na nagresulta ng matinding pinsala sa bata.

Saad ng mga pulis, patay na nang maabutan nila ang biktima sa pinangyarihan ng insidente.

Patuloy naman ang imbestigasyon sa nangyaring insidente.

Facebook Comments