BANTAY-BAGYO | 6 patay sa pananalasa ni hurricane Michael sa U.S

42

Nag-iwan na ng anim na patay ang hurricane Michael.

Naitala ang mga nasawi sa Florida, Georgia at North Carolina.

Sa lakas ng hangin dala nito, pinalipad nito ang maraming bahay at tinuklap ang mga bubong ng ilang establisyimento.

Aabot na sa 100 flights ang nakansela.

Nasa halos 950,000 na bahay at negosyo ang walang kuryente sa Florida, Alabama, The Carolinas at Georgia.

Ang hurricane Michael ay itinuturing na ikatlo sa pinakamalakas na bagyong tumama sa U.S. Mainland.

Facebook Comments