BANTAY-BAGYO | Kahandaan ng gobyerno sa papalapit na bagyo, nasa halos 80% na

Manila, Philippines – Nasa 75 percent nang handa ang pamahalaan para sa magiging epekto ng bagyong Ompong.

Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad, noong nakaraang linggo pa nila pinaghahandaan ang magiging epekto ng bagyo.

Aniya, mas gusto niyang maging over prepared kaysa kulangin sila sa paghahanda.


Umaasa naman ang NDRRMC na wala maitatalang casualties sa gitnang ng panananalasa ng bagyo.

Paliwanag ni Jalad, ginagawa nila ang lahat ng paghahanda at hinihigitan pa.

Aminado naman si Jalad na hindi pa sapat ang kanilang sobra-sobrang preperasyon dahil mahirap na magbakasakali.

Facebook Comments