Regular na magsasagawa ng monitoring ang Department of Agriculture (DA) at Department of Trade and Industry (DTI) para matiyak na sumusunod ang mga retailer sa SRP sa bigas.
Simula kasi sa Nobyembre a-nuebe sisimula na rin ang pagpapataw ng parusa sa sinumang lalabas sa SRP sa mga pamilihan sa Metro Manila at greater Manila area.
Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, multang isang milyong piso at apat na taong pagkakakulong ang posibleng kaharapin ng sinumang lalabas sa panuntunan sa SRP.
Maaari rin siyang matanggalan ng lisensya sa pagbebenta ng NFA rice.
Sabi naman ni DTI Secretary Ramon Lopez – sisilbihan muna ng sulat ang mga lalabag.
Kapag nakatanggap na ng dalawang notice of violation, dito na sila paparusahan.
Facebook Comments