Manila, Philippines – Tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) ang matatag na presyo ng bigas sa mga susunod na araw.
Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, nag-angkat ang pamahalaan ng nasa 500,000 metric tons ng bigas na katumbas ng halos 10 milyong sako.
Bukod pa aniya ito sa mga bigas na inaani ng mga magsasaka.
Siniguro rin ni Lopez na hindi na mauulit ang pagtaas ng presyo ng bigas bunsod ng kakapusan ng supply.
Aniya, malinaw ang polisiya ni Pangulong Rodrigo Duterte na mag-angkat ng bigas.
Facebook Comments