BANTAY-BIGAS | NFA nagsagawa ng pre-bid conference

Manila, Philippines – NFA nagsagawa ng pre-bid conference para sa importasyon ng 500,000 MT ng bigas.

Kasunod ito ng pag-apruba ng NFA Council sa pag-aangkat ng dagdag na 500,000 MT ng bigas.

Abot sa labindalawang rice suppliers mula sa mga bansa sa Asya ang nakibahagi sa isinagawang pre-bidding conference ng National Food Authority (NFA).


Mga 25 percent broken, long grain white na bigas ang aangkatin ng ahensya na magsisilbing dagdag sa buffer stocks ng gobyerno.

Ginawa ang pre-bidding conference para mailatag sa mga prospective bidders ang Terms of Reference sa bubuksang bidding sa November 20.

Una nang dumating ang dalawang batch ng 250,000 MT ng bigas na nai-deliver noong June at October.

Ang susunod na batch, ang unang 250,000 MT ay inaasahan na dumating sa December 31 habang ang huling batch ay sa January 31, 2019.

Bigo naman ang bidding ng 203,000 MT matapos na hindi makilahok ang Vietnam at Thailand.

Facebook Comments