Sisimulan na ngayong araw ang pagpapataw ng parusa ng National Food Authority (NFA) sa mga lalabag sa Suggested Retail Price (SRP) sa bigas.
Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, mag-iikot na sa mga palengke ang mga kinatawan ng National Food Authority (NFA), Department of Trade and Industry (DTI) at Philippine National Police (PNP) upang i-monitor kung sumusunod ang mga rice traders at retailers sa SRP.
Ngayong araw din ilulunsad ng NFA ang SRP program sa Ormoc City.
Unang ipinatupad ang SRP sa Metro Manila at sa Greater Manila Area noong October 27.
Kabilang sa mga parusa ay:
– Pagkabilanggo ng hanggang apat na taon
– Multa na mula P2,000 to P1-M.
– Pagkakansela ng lisensya na sa rice trading at retailing
Facebook Comments