BANTAY BIGAS | Supply ng NFA rice sa bansa, nananatiling sapat – DA

Manila, Philippines – Nanindigan ang Department of Agriculture (DA) na sapat ang supply ng NFA rice sa bansa.

Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol – aabutin pa ng hanggang lagpas isang buwan ang buffer stock ng NFA rice.

Wala rin aniya dapat ikabahala ang publiko dahil malabong magkaroon ng price manipulation sa pamilihan dahil protektado ng Suggested Retail Price (SRP) ang bigas.


Pagpasok ng Disyembre, tulu’y-tuloy ang pagdating ng mga bigas mula Thailand at Vietnam.

Siniguro ng DA na sisilipin nila ang reklamo ukol sa kawalan ng supply ng ilang tindahan.

Samantala, aminado naman ang National Food Authority (NFA) sa National Capital Region (NCR) na binawasan nila ang allocation sa mga NFA retailer.

Facebook Comments