NAT’L ID | Pilot testing para sa National ID system, ikakasa bago matapos ang taon

Manila, Philippines – Kinumpirma ng National Economic Development Authority (NEDA) ang pilot testing ng National ID System bago matapos ang 2018.

Ito ay kasunod ng pag-apruba sa Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Philippine Identification System Law.

Ayon kay NEDA Undersecretary Adoracion Navarro – inaasahang aarangkada na ang libreng pagpaparehistro.


Magpapalabas na rin ng mga sample I.D. para rito.

Bukod sa ID, magkakaroon din ng digital version nito.

Tiniyak ng NEDA ang seguridad ng publiko sa ilalim ng naturang sistema.

Facebook Comments