BANTAY-BOC | Tagumpay na maresolba ang katiwalian sa BOC, nakasalalay sa suporta ng Malacañang

Manila, Philippines – Naniniwala si Senator Kiko Pangilinan na mahalaga ang suporta ng Malacañang para magtagumpay si Bureau of Customs o BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero na resolbahin ang katiwalian sa ahensya.

Reaksyon ito ni Pangilinan makaraang magbabala si Guerrero sa mga tauhan ng BOC na huwag dungisan ang kanyang pangalan kaakibat ang pagtiyak na gagamitin ang lahat ng kanyang kapangyarihan laban sa mga tiwaliang kawani ng ahensya.

Diin ni Pangilinan, walang dahilan para hindi magtagumpay si Guerrero kung ito ay seryoso at may suporta mula sa Palasyo.


Pero tanong ni Pangilinan, seryoso ba talaga ang Malacañang na habulin ang malalaking sindikato ng droga na nasa likod ng ilang ulit na pagpuslit ng tone-toneladang shabu sa BOC.

Magugunitang ilang beses ng nagpahayag ng pagkadismaya si Pangilinan dahil hanggang ngayon ay wala pa ring napaparusahan na sa paglusot sa BOC ng 6.4-billion pesos at 6.8-billion pesos na shabu.

Facebook Comments