Bocaue, Bulacan – Mas pinaigting ng Philippine National Police (PNP) ang mga checkpoint papasok at palabas sa Bocaue, Bulacan.
Ayon kay Bulacan Provincial Fire Marshal Fire Supt. Stephen Requino, nais nilang matiyak na walang makakalusot na mga ipinagbabawal na paputok.
Kasabay nito, muli rin silang nag-inspeksyon sa mga tindahan ng paputok.
Bagaman walang nahuhuling lumalabag, tiniyak ng PNP na hindi sila magpapakasiguro dahil habang papalapit ang Bagong Taon ay nandyan pa rin ang posibilidad na may magbenta ng mga iligal na paputok.
Facebook Comments