BAKASYON SA BAGONG TAON | Mga bus terminal, fully booked na!

Manila, Philippines – Apat na araw bago ang Bagong Taon, patuloy ang pagdagsa ng mga pasahero sa mga bus terminal sa Maynila, Pasay at Quezon City.

Sa Victory Liner terminal Sa Pasay City, fully book na ang kanilang mga biyahe pa norte.

Gayunman, tiniyak naman nilang may sapat silang bus para sa kanilang pasahero.


Tuloy rin ang pagdating ng mga pasahero sa Florida bus terminal sa Sampaloc, Manila.

Ayon kay Leo Batacan, terminal manager ng Florida, maaga pa lamang ay may mga nakapila nang chance passenger sa kanila.

Ganito rin ang sitwasyon sa Araneta bus terminal na tiniyak na may sapat silang mga bus na bumabyahe.

Inaasahan namang mas dadami pa ang mga pasahero na uuwi sa lalawigan para salubungin ang Bagong Taon.

Facebook Comments