BANTAY KALIKASAN | DILG, iniutos ang pagbuo ng solid waste management committee para pangalagaan ang kalikasan

Manila, Philippines – Iniutos ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga barangay officials na tututukan ang pangangalaga sa kalikasan sa kanilang lugar.

Ayon kay DILG OIC Secretary Eduardo Año, ngayong panahon ng tag-ulan, dapat magsimula sa antas ng barangay ang pangangalaga sa kalikasan at maayos na solid waste management practices.

Sa inilabas na Memorandum Circular 2018-112 ng DILG, dapat na iorganisa o ireorganisa ang kanilang Barangay Ecological Solid Waste Management Committee na mangunguna sa pagsasagawa ng community solid waste management program na naaayon sa kanilang mga munisipyo at syudad.


Hinikayat din ni Año ang mga alkalde at gobernador na ipatupad nang maigi ang mga polisiya at panuntunan ukol sa Ecological Solid Waste Management o ESWM.

Responsibilidad din ng BESWMC na magtatag ng Material Recovery Facility sa mga barangay, maglaan ng pondo para sa programa ng ESWM na aprubado ng Sangguniang Barangay at isama sa Barangay Development Plan at Annual Investment Plan.

Facebook Comments