BUY-BUST | 6 nahulihan ng shabu sa Maynila, arestado

Manila, Philippines – Bumagsak sa kamay ng mga tauhan ng Malate Police Station 9 ang anim na katao matapos na magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Team-Special Operation Task force Unit na pinamunuan ni Police Senior Inspector Gil John Lobaton sa Tuazon Street, corner Arellano Avenue Malate, Maynila.

Nakilala ang mga suspek na sina Aldrin Delarama 37-anyos, Jenny Rose Francisco 42-anyos, Richmond Avila 22-anyos, Michelle Repolona 42-anyos, Al Salazar 31-anyos at Joel Avila 39-anyos.

Narekober sa anim ang 10 pirasong plastic sachet na may lamang pinaghihinalaang shabu at dalawang daang pisong buy-bust money matapos na magpanggap na bibili ng shabu ang isang pulis.


Paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act ang kasong isinampa ng MPD laban sa mga suspek.

Facebook Comments