BANTAY | Mahigit 1000 na sundalo, ide-deploy para sa seguridad ng traslacion

Manila, Philippines – Nasa higit isang-libong sundalo ang ide-deploy ng Armed Forces of the Philippines (AFP) para magbigay seguridad sa traslacion ng Poong Itim na Nazareno sa Martes.

Bukod pa ito sa mahigit limang libong pulis na ipapakalat ng NCRPO sa mga lugar na dadaan ng prusisyon.

Ayon kay AFP Joint Task Force Commander Brig. General Alan Arrojado, pinagana na rin nila ang Joint Task Group Nazareno para tumulong sa pagbabantay ng PNP.


Kinabibilangan ito ng mga miyembro ng Philippine Army, Air Force, Navy, NoLCom, SolCom at AFP Reserve Command.

Ipapakalat sila mula sa Quirino Grandstand, sa may bahagi ng St. John Baptist Church simula sa January 8, 2018.

Samantala, muli namang nagpaalala ang Manila Police District (MPD) sa mga makikiisa sa prusisyon na huwag nang magdala ng malaking halaga ng pera at mamahaling mga gamit.

Facebook Comments