BANTAY-MRT | Riles ng MRT 3, nagka-technical problem

Halos isang oras na nagkaroon ng tinatawag na regulated na biyahe ng tren ng MRT-3 dahil sa technical problem.

6:51 A.M kanina nang magkaroon ng technical problem sa bahagi ng tracks ng northbound Guadalupe at Boni interstation Guadalupe at Boni interstation.

Wala namang naperwisyong pasahero dahil agad na rumisponde ang mga tracks personnel sa Guadalupe station.


Bumalik naman sa normal ang operasyon bandang 7:28 A.M, matapos maikabit ang fish plate at C clamp sa pumalyang riles.

Sa ngayon ay nasa 13 trains ang nasa mainline at napapakinabangan ng mga pasahero.

Facebook Comments