BANTAY-SARADO | 1500 na pulis kabilang ang isang police general, nasa watchlist ng PNP-CITF

Manila, Philippines – Binabantayan ngayon ng PNP Counter Intelligence Task Force ang isang libo at liman-daang pulis kabilang na ang isang heneral.

Ito ay dahil ayon kay PNP-CITF Director, Senior Supt. Chiquito Malayo ang mga pulis na ito ay sangkot sa extortion, at illegal drugs transactions.

Habang ang nag-iisang police general ay protektor umano ng illegal activities.


Karamihan naman sa mga ranggo ng Non-Commissioned Officer ay Police Officer 1 hanggang PO3.

Dagdag pa ni Malayo na malaking bilang ng mga nasa watchlist ay mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO).

Paliwanag naman ni Malayo na hangga’t hindi dumadaan sa validation ay hindi pa maituturing na guilty ang mga pulis na ito.
Umabot naman sa 10, 246 na text messages at phone complaints at confidential information ang natanggap ng PNP-CITF na nagresulta sa pagkaka-aresto sa 60 tiwaling PNP personnel.

Nangunguna sa mga sumbong ang extortion, drugs, kidnapping, hulidap at iba pang iligal na aktibidad.

Facebook Comments