“Huwag na nating hintayin pa na may isa pang boracay ang mapasara” ito ang
pahayag ni Engr. Raymundo Gayo, OIC ng Provincial Environment and Natural
Resources Office (PENRO) Dagupan City ukol sa pagsasailalim sa mahigpit na
pagbabantay ng apat na tourism beach sites ng Department of Environment and
National Resources (DENR) Region 1.
Ayon kay Engr. Gayo ang mga minomonitor umano ay ang Hundred Islands sa
Alaminos City, Bauang Beach La Union, Pagudpud Beach Ilocos Norte at
Bolinao Beach sa Bolinao Pangasinan. Ang nasabing apat na tourism beach
site na tutukan dahil ito umano ang mga madalas pinupuntahan ng mga turista
at kailangang pangalagaan upang mapreserba ang ganda at kalinisan. Ito ang
unang hakbang ng DENR Region 1 upang maaksyunan ang problema sa bawat
tourism beach site. Pag-aaralan ang carrying capacity ng mga ito at kung
papaano ang ginagawa ng mga business owwners sa kanilang waste management.
Nagtakda ng higit kalahating milyon ang lokal na pamahalaan ng Alaminos
City upang gumawa ng pag-aaral tungkol sa carrying capacity ng Hundred
Islands. “We are not stopping their business, we regulate.” Dagdag ni Engr.
Gayo