Manila, Philippines – Nagbabala si Interior and Local Government Undersecretary Martin Diño na paiigtingin ng gobyerno ang pagbabantay sa mga nahalal na barangay captain na isinasangkot sa ilegal na droga.
Ayon pa kay Diño, walang dapat sisihin kundi ang mga botante sakaling may mangyaring masama sa mga komunidad na nasasakupan ng mga kapitang kasama sa “narco-list.”
Gayunman, tiniyak ni Diño, na tuloy pa rin ang pagsampa nila ng kaso laban sa mga barangay official na nasa narcolist kahit nanalo pa ang mga ito.
Una nang sinabi ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Oscar Albayalde, na maaari pa ring humarap sa “oplan tokhang” ang mga opisyal ng barangay na nasa narco-list kahit nahalal ang mga ito.
Facebook Comments