BANTAY SARADO | SPD, magbabantay pa rin sa mga matataong lugar kahit tapos na ang Semana Santa

Manila, Philippines – Kahit tapos na ang Semana Santa, mananatili pa rin ang pagbabantay ng Southern Police District (SPD) sa mga matataong lugar tulad ng mga terminal paliparan at iba pa.

Ito ay sa gitna narin ng bakasyon sa mga paaralan kung saan marami parin ang nagbabakasyon at nagpupunta sa iba’t-ibang lalawigan.

Ayon kay Chief Superintendent Tomas Apolinario, mananatili ang dagdag pwersa ng mga pulis na itinalaga para magpatrolya kabilang na dito ang sa bahagi ng Buendia Taft Avenue, Macapagal Boulevard, Edsa Pasay city, Alabang at Baclaran church


Paalala naman ni Apolinario sa kanyang mga tauhan, pagbabantay ang dapat nilang tutukan at hindi pagkalikot sa kanilang mga cp o di kaya ay pagtulog sa kanilang mga police mobile.

Facebook Comments