Manila, Philippines – Nagpapatupad ngayon ang Bureau of Immigration (BI) ng mahigpit na screening at profiling sa mga umaalis at dumadating na mga pasahero sa mga paliparan.
Kasabay ito ng pagdagsa ng mga pasahero sa airport ngayong Lenten Season.
Ayon sa BI, layon nito na matiyak na walang international terrorist at unwanted aliens na makakapagsamantala at makakakusot sa bansa ngayong peak season.
Samantala, nag-deploy ang Bureau of Immigration ng karagdagang mga tauhan sa mga pangunahing paliparan sa bansa para matiyak na walang mahabang pila sa immigration counters.
Kabilang dito ang NAIA terminals at ang airports sa Mactan-Cebu, Clark, Kalibo, at Davao.
Facebook Comments