Manila, Philippines – Ipatutupad na ng PNP ang Oplan SUMVAC o Summer
Vacation 2018.
Ang SUMVAC ay sisimulan sa Biyernes, March 23 at tatagal hanggang June 13.
Sa interview ng RMN kay PNP PIO Chief of Operations, C/Insp. Bryan Gregorio
– layunin nitong matiyak ang seguridad ng lahat ng mga magbabakasyon at
paggunita ng Semana Santa.
Magtatalaga aniya ng dagdag pwersa lalo na sa mga lugar na maraming tao
lalo ang mga bus terminals, pantalan, paliparan maging sa mga tourist
destinations.
Sa interview ng RMN kay MIAA General Manager Ed Monreal – tiniyak na sapat
ang mga tauhan sa naia para maiwasan ang mahabang pila.
Paalala pa ng kinauukulan na siguruhing secure ang iiwanang bahay kapag
ilang araw na mawawala.
Pinayuhan din ang mga biyahero na iwasang magdala ng mga ipinagbabawal na
gamit sa mga pampublikong transportasyon para maiwasan ang abala.