CALL FOR RESIGNATION | PCSO Board Member Sandra Cam, pinagbibitiw ng 48 na mambabatas

Manila, Philippines – Pinagbibitiw ng nasa 48 kongresista si PCSO Board
Member Sandra Cam.

Ito ay matapos silang pumirma sa house resolution 1777 na inihain nina
House Minority Leader Danilo Suarez, House Dangerous Drugs Committee
Chairman Robert Barbers at Negros Oriental Rep. Arnulfo Teves.

Ipinako-contempt din ng Kamara si Cam dahil sa tahasang pag-akusa niya kay
Teves bilang operator ng Small Town Lottery sa distrito nito.


Nakasaad pa sa resolusyon na hindi na iginalang ni Cam ang kongresista pati
na ang institusyon ng Kamara nang pagsisigawan ito sa gitna ng hearing.

Ang akusasyong ito kay Teves ay ginawa ni Cam sa gitna ng imbestigasyon ng
mababang kapulungan sa mga iregularidad sa STL operations.

Facebook Comments