Manila, Philippines – Inoobliga ni PNP Chief Police Director General Ronald Bato Dela rosa ang mga pulis na magbitbit ng baril kahit pa nakasibilyan.
Ayon kay Dela Rosa, dapat ay 24 oras na may bitbit na baril ang isang pulis dahil 24 oras naman silang pulis.
Kaya hiling ni Dela Rosa, huwag patamad-tamad ang mga pulis sa pagbibit na kanilang armas upang agad silang makapagresponde kung kinakailangan na handa dahil may bitbit na baril.
Dagdag pa ni Dela Rosa, standard practice na ang pagdadala ng baril, magdadalawang isip din aniya ang mga kriminal sa lansangan na gumawa ng kalokohan dahil alam nilang maaring may armadong pulis na naka-sibilyan lang sa kanilang paligid.
Sinabi pa ng opisyal hindi na kailangan ng Permit to Carry Firearms Outside of Residence o PTCFOR, para magdala ng baril ang isang off-duty na pulis kahit sila ay nakasibilyan, basta’t meron silang dalang Mission Order at Memorandum Recipt.
Ang ipinagbabawal lang naman ng batas ay ang pag-display ng baril at pag-tutok nito kapag naka-sibilyan ang mga pulis kaya dapat ay itago lang nila ang kanilang dalang armas.