BANTAY SEGURIDAD | Trainining para sa mga gustong maging lifeguards, inaalok ng TESDA

Manila, Philippines – Sasanayin ng Technical Education And Skills Development Authority o TESDA ang mga gustong maging lifeguard.

Ito ay para maging handa ang mga lifeguard, na titiyak sa kaligtasan ng mga magsu-swimming sa pool man o dagat.

Ang training para sa mga lifeguard ay kasama sa mga kursong inaalok sa mga Technical Vocational Institutions na accredited ng TESDA.


Binuo ang nasabing pagsasanay sa pakikipagtulungan ng Philippine Life Saving Society.

Facebook Comments