Salpukan ng Trycycle at Motorsiklo, Isa Patay!

37

Ramon, Isabela – Dead on Arrival ang isang tsuper ng tricycle matapos salpukin ng kasalubong na motorsiklo sa Barangay Bugallon Proper, Ramon, Isabela kamakailan.

Kinilala ang biktimang tsuper na si Carlito Baltazar, trentay kuwatro anyos, may asawa at residente ng Burgos, Ramon, Isabela habang ang suspek naman na may ari ng motorsiklo ay kinilalang si Rafael Navalta, bente anyos at residente ng General Aguinaldo, Isabela.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng PNP Ramon, magkasalungat umano na binabagtas nina Baltazar at Navalta ang daan nang biglang umagaw sa linya ni Baltazar si Navalta hanggang sa matumbok nito ang minamaneho ni Baltazar.

Sa lakas na impak ng salpukan ay nagtamo ng malubhang sugat si Baltazar at naisugod pa ito sa malapit na pagamutan subalit hindi na ito umabot ng buhay.

Nasa kustodiya na ng PNP Ramon ang suspek na mahaharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide maging ang dalawang behikulo para sa kaukulang disposisyon.

Facebook Comments