BANTAY TRAPIKO | Dagsa ng motorista, inaasahan ngayong araw sa NLEX

Mula kahapon hanggang ngayong araw Disyembre 22 muling binuksan ng Balintawak Toll Plaza ang 28 toll collections points sa North Luzon Expressway (NLEX) pagsapit ng peak hours para maging konbenyente sa mga motorista.

Habang sa Mindanao Avenue at Tarlac Toll Plazas ay nagbukas din ng maximum na 10 hanggang 28 collection points.

Ganito din ang ginawa sa Bocaue Toll Plaza na nagbukas ng 44 toll collections.


Inaasahan na kasi ng pamunuan ng North Luzon Expressway (NLEX) at Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX) na tataas ng 10 porsiyento ang traffic volume ngayong holiday season.

Mula pa noong Disyembre 14 lahat ng traffic personnel ng NLEX at SCTEX ay nag-extend na ng working hours dahil sa dagsa ng motorista na bibiyahe ngayong Christmas season. At gagawin muli ito sa Disyembre 28 at 29.

Base sa pinakahuling monitoring ng NLEX Corporation mula kaninang alas 6:37 may pagbagal na sa daloy ng trapiko bago sumapit sa San Fernando northbound exit dahil sa isang aksidente .

May traffic build up din sa Mindanao Toll Plaza at may pagbagal din ng usad ng mga sasakyan bago sumapit ng SCTEX ramp mula pa kaninang madaling araw dahil sa bigat ng traffic volume at ongoing road enhancement sa lugar.

Simula naman Disyembre 25 hanggang 27 at Enero 1 hanggang a-2, magbubukas ang Bocaue Toll Plaza ng 50 hanggang 60 toll collection points para pagsilbihan ang mga motorista papuntang Metro Manila.

Pinapaalam din ng NLEX Corp. na mayroong libreng towing services na available malapit sa exit ng Class 1 vehicles mula alas 6 ng umaga mgayong araw hanggang alas 11:59 ng gabi ng Disyembre 23, mula 6 A.M. Enero a- 1 hanggang alas 11:59 ng gabi ng Enero a-2.

Facebook Comments