BANTAY-TRAPIKO | Maraming sasakyan na sinabayan pa ng Christmas shopping, resulta ng traffic exodus sa EDSA

Isinisi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Christmas shopping at pagdami ng mga sasakyan ang mas matinding trapik sa EDSA.

Sabi ni MMDA general manager Jojo Garcia, dahil sa pamimili ng mga tao sa mga mall at mas maraming sasakyan na bumibyahe habang papalapit ang Pasko ay lalong bumibigat ang daloy ng trapiko.

Kapag ganitong holiday season aniya ay nadaragdagan ng 10 porsyento ang trapiko sa EDSA.


Dagdag ni Garcia, kada taon ay halos 500,000 ang nadadagdag na mga bagong sasakyan kung saan 30 porsyento nito o nasa 150,000 na mga sasakyan ang bumibyahe sa Metro Manila.

Malaking tulong naman anya ang adjusted mall hours para mabawasan ang mga sasakyan at pasahero sa kalsada.

Simula November 5 hanggang January 14, 2019 sa 11:00 ng umaga na ang bukas ng mga mall sa weekdays.

Facebook Comments