Magpapakalat ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at local traffic bureaus ng 1,500 traffic auxiliaries bilang augmentation sa mga naka-deploy na traffic enforcers.
Ito ay bilang paghahanda sa nalalapit na Kapaskuhan.
Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia nagpasaklolo na sila sa ibat-ibang city administrators at local traffic bureau officials sa Metro Manila upang maibsan ang matinding pagsisikip ng daloy ng trapiko lalo na kapag holiday rush.
Target ng MMDA na i-deploy ang 80 traffic auxiliaries sa kada lungsod partikular sa mga tinaguriang critical areas.
Ipapakalat ang mga ito sa national roads, Mabuhay Lanes at mga adjoining roads simula November 16.
Nanawagan din si Garcia sa mga traffic officials na mag-isyu ng citation tickets sa mga illegally parked ng mga sasakyan at iba pang obstruction sa kalsada.